With the upbeat song “Low” playing in the background, Piolo Pascual and Angel Locsin danced and laughed heartily on the grounds of the Victory Church in Caloocan City. The lead stars of Lobo smiled at each other as they shot their final sequences for ABS-CBN’s fantaserye Lobo, which will end on July 11 (Friday).
When PEP (Philippine Entertainment Portal) visited Angel and Piolo during their last taping day last July 3, they expressed their mixed feelings about the ending of show, which ran for six months on the Kapamilya Network. ”It’s been a really wonderful time working on this project and I’ve been always bragging about this,” says Piolo. “I’m very, very proud because we’ve made it. And more than anything, it’s a fulfillment to do something so difficult yet nagawan mo ng maganda. So I’m so happy because nagawa namin nang maayos yung trabaho namin.”
Angel adds, “Ako naman hindi ko maintindihan kung ano ang nararamdaman ko. Masaya akong matatapos na iyong show namin, na masasabi kong sobrang ipinagmamalaki ko. Maipagmamalaki ko pa after ten years, ‘pag nagkaanak na ako, maikukuwento ko, maipagmamalaki ko siya.
”Mami-miss ko talaga itong show na ito. Malulungkot din ako. Masaya at malungkot. Masaya ako dahil nagkaroon kami ng chance na makatrabaho ang kapwa artista ko na very professional, makukulit; lahat kami may topak at yun yung nag-jive.”
What would they consider as their most memorable moments while shooting TV series?
”Kanina actually we were feeling so awkward because we were doing an intimate scene and a lot of people were watching so parang nakakailang,” says Piolo regarding his kissing scene with Angel shot earlier that day. “But you know kailangan naming gawin. But if you ask us about siguro mga memorable scenes, nothing beats the last transformation. I felt so awkward, we were both just wearing skin tone na damit and sabi ko sa kanya, ‘I’ve never felt so awkward in my whole life.’”
Piolo is referring to the scene wherein they had to wear flesh-tone body stockings while he and Angel were taping inside a church. “Sabi ko talaga, ‘the things we have to do for craft.’ Iniisip ko, paglabas namin ng church, malay mo, madaming tao diyan nanonood tapos akala mo hubo’t hubad kaming naglalakad. It was funny, pero ikibit balikat mo na lang kasi kelangan mong gawin, kelangan mong panindigan.”
They also cite their seaside encounter in a beach resort in Calatagan, Batangas as one of their most memorable scenes. They even refer to it as their “burak-ay” escapade.
“Our beach scenes na akala ng mga tao na super…not to demean yung pinanggalingan namin pero yung happy moments namin sa beach, hanggang dito yung putik, e,” recalls Piolo.
Angel adds: “Yung burak talaga, as in, lumulubog kami so nakahawak lang kami sa isa’t isa.”
TOPLESS AD. Angel was in the news recently when she came out in photos wearing jeans and nothing on top as an endorser of a clothing company. She has been criticized by some sectors of society for her daring billboard. What can she say about her detractors?
“Well kasi, tanggap ko kung anong opinion nila. Pero ako, bilang isang babae at miyembro ng Gabriela, alam ko kung ano yung mga nakakadegrade. Alam ko kung ano yung dapat, ano yung hindi dapat. Nakita ko na yung ad na likod nga lang yung nakita. Wala namang maseselan na parte. Hindi iniisip ng iba yung image ko. Ginawa ko lang para maiba naman kasi para meron naman akong bagong ipakita, so ‘eto bago. So, sa lahat ng naka-appreciate maraming, maraming salamat. Ako, bilang isang babae, hindi ko hahayaan na mabastos ako o bumaba ang tingin sa kapwa babae.”
Gabriela is an alliance of women’s organizations that that advocate for women’s issues.
Her co-star Piolo also expressed his opinion regarding the controversial ad. “This is a testament…to how much she respects her craft. I mean that’s something that people don’t really see. When it comes to expressing your beauty, Angel definitely has it and she knows how to show it in a respectful manner.”
After Piolo and Angel’s team-up in Lobo, they will soon be seen in a movie under Star Cinema. “After a few days rest, we’re gonna start training already for the movie,” reveals Piolo. “Then we’ll be flying out to Bukidnon and then we’re going to Australia after to shoot and it’s gonna be shown within the year.”
After the brief interview, Piolo immediately left to catch his flight bound for Paris, France, to attend the screening of Dekada ‘70 in the 2008 Paris Cinema International Film Festival. Angel stayed behind to sign items for her fans and to shoot her remaining scenes for Lobo.
Ipinakita sa Entertainment Live! kahapon, June 28, ang paghaharap at pagkikita ng dalawa sa hottest young female stars ngayon na sina KC Concepcion at Angel Locsin sa birthday party ni Ruffa Gutierrez last June 21. Nakunan ang paglapit ni Angel kay KC para bumati. Kaagad namang niyakap ni KC si Angel.
Sabay rin silang nagpa-interview at sinagot ang pang-iintriga sa kanila dahil kay Richard. Si Angel ang kapareha ni Richard noong nasa GMA-7 pa ang young actress, samantalang si KC naman ang katambal ng young actor sa unang pelikula ni KC.
Ayon kay Angel, “Si Chard, trabaho yung ginagawa namin pero hindi talaga kami. Si Chard talaga yung may chance na makapagtrabaho sa ibang network, ‘tapos nagtrabaho rito. So finally, mangyayari na nga ‘yon kaya I’m happy for them.”
Sabi naman ni KC, “Angel has always been very supportive and I’m here also to support her. So, you know…and we’re friends. I mean, okay kami ni Angel kapag nagkikita.”
Sinabi rin nina KC at Angel na hinahangaan nila ang isa’t isa.
”Lagi akong nanonood ng Lobo at ang galing-galing niya!” papuri ni KC kay Angel.
Sabi naman ni Angel, “Si KC nakikita ko na siya yung tao na kung ano yung nakikita ninyo sa TV, kung panao siya ka-nice, ganun talaga siya.”
Dagdag ni KC, “Kung meron mang ibang tao na gustong siraan kami or anything, hindi na lang kami nagpapaapekto. Alam naman namin between me and Angel, na we respect each other.”
Sinagot din nina Angel at KC ang posibilidad na magkasama-sama silang tatlo nina Richard sa isang proyekto.
”Anytime, kahit na guest lang ako, susuporta ako for her,” sagot ni Angel.
Sagot naman ni KC, “Sa future movie ni Angel, nandun ako.”
Naging masaya raw ang lahat sa paghaharap nina Angel at KC. Naging mahigpit din daw ang yakapan nina Angel at Richard nang magkita sila sa birthday party ni Ruffa.
Kuwento ni Angel, “Nagkumustahan lang kami. Siyempre ang tagal ko rin siyang hindi nakita. Siyempre na-miss ko rin siya. Kahit papaano, ang dami naming ginawang projects. Ayun, nagkumustahan lang kami. Yun lang, simpleng batian lang.”
Inamin naman ni Richard sa Entertainment Live! na inspirado siya ngayon, at isa si KC sa nagpapasaya sa kanya.
Napakalakas na hiyawan ang sumalubong kay Angel Locsin paglabas niya ng stage sa fashion show cum launching niya bilang bagong endorser ng Folded & Hung sa Activity Center sa TriNoma last Saturday, June 21.
”Feeling model,” sagot ni Angel nang i-welcome siya ng host ng event na si Phoemela Barranda.
A few weeks back ay naging isyu ang pagiging endorser ni Angel ng ibang clothing line pagkatapos kunin ng dating ini-endorse na JAG jeans si Marian Rivera. But it turned out na may bago nang ie-endorse na brand ng pantalon si Angel, ang Folded & Hung.
”Ten years na sila sa business at para rin ‘yang pag-aartista. You always have to show something new to offer. At para sa akin, dahil umabot sila ng ten years with great results, indicator ito na tama ang kanilang ginagawa at talagang tinatangkilik sila.
”When I found out that they were interested in me, sobrang na-flatter at natuwa ako. So, sobrang natutuwa ako, na mabigyan ng ganitong pagkakataon na makasali sa kanila,” pahayag ni Angel.
Happy and thankful si Angel dahil pinagkatiwalaan siya ng F&H na makasama ang iba pa nilang endorsers na sina Claudine Barretto at Maja Salvador.
Sa gitna ng Activity Center ng TriNoma nakasabit ang naglalakihang tarpaulin ni Angel for F&H kung saan wala siyang suot na pang-itaas, kita ang likod at nakasuot ng pantalon. Paano siya napapayag na mag-pose ng topless sa billboard?
“Biglaan lang yun, e,” sagot niya. “Wala kasi kaming mga peg. Ganyan mag-work ang F&H. Parang sobrang genius nila, biglaan lang.
“Nung una na-tense ako dahil hindi ko naman ginagawa. Pero, di ba, parang why not? Wala naman akong ginagawang masama. ‘Tsaka para sa akin, hindi pa siya daring.”
Ngayon, hindi man gustuhin ni Angel, tiyak na maikukumpara siya sa F&H endorser na si Claudine.
”Naku, there’s nothing to compare. Si Ms. Claudine, Ms. Claudine na ‘yan. Ang dami-dami na niyang achievements. Ano naman po ba ako compared to her?” ani Angel.
Hindi kaya matalbugan pa niya sina Claudine at Maja as endorser ng F&H? And later, tuluyan na niyang palitan sina Claudine at Maja?
“Ah, walang ganun, walang ganun na deal. Kahit hindi pa kami talaga nakakapagtrabaho kapag nasa isang company hindi naman sila ganun klaseng tao at iba-ibang ino-offer para sa brand at para sa mga tao kaya nandito kami.”
Nilinaw rin ni Angel ang isyu na sinulot niya ang F&H kina Claudine at Maja.
”Ganun ba kadali yun? Hindi naman ako nagbayad sa F&H para kunin ako, di ba?”
May balita na nagalit daw si Claudine dahil bigla siyang kinuhang endorser ng F&H? Ano ang reaksiyon niya rito?
”E, hindi pa kami nagkikita ni Ms. Claudine ngayon, pero hindi naman. Parang sa akin, ginagawan lang ng intriga ng mga tao kasi siyempre, ‘eto, bagong part ako ng family ng F&H, pero hindi naman. Bagong sampa lang ako sa pamilya.”
Hindi niya pinalitan si Claudine?
”Hindi po,” tanggi ni Angel. “Iki-clear ko po, karagdagan lang po ako dito. Wala po akong pinalitan kahit na sino.”
Wala bang usapan na magsasama-sama sila nina Claudine at Maja para sa proyekto ng F&H tulad ng billboard?
”Merong pinaplano, pero hindi pa sure. Tulad ng sinabi ko kanina, wala kami nung mga peg talaga,” pagwawakas ni Angel.
Angel Locsin is currently leading in the latest tally of votes for the 2008 FHM’s 100 Sexiest Women in the World poll. Is the Lobo star on track to dethrone Katrina Halili as the sexiest in the land?
According to reports, Katrina ruled the the race in the beginning but Angel came from behind and grabbed the top spot with a wide margin of more than 7,000 votes.
The poll isn’t over yet. The public can still cast their votes online but just once per day. But you can vote as many times as you want through your mobile phones.
Here’s how:
1. To vote, the texter must text in FHM100 and send to 2948. Example: FHM100 Iwa Moto. Texting of votes costs P2.50 for Smart, Talk N’ Text, Globe and Addict Mobile while P2.00 for Sun.
2. Replace “Iwa Moto” with the star of your choice. For example: Marian Rivera, Katrina Halili, Angel Locsin or stay with Iwa Moto. The syntax is first name, space, then last name of the star of your choice.
3. 1 text vote = 5 entries
4. To get a complete list of all keywords, text FHM100 to 2948.
5. Send all keywords to 2948 for Smart, Globe, Sun, Talk N’ Text and Addict Mobile subscribers.
6. Voting is until June 15, 2008 only.
Barely a month ago, Angel Locsin topped Maxim’s version of 100 Sexiest Women list.
Pagkatapos itanghal bilang number one sexiest female young actress ng isang men’s magazine si Angel Locsin, masaya namang ibinalita sa amin ng kanyang manager na si Becky Aguila na ang naturang cover ng kanyang talent ay matutunghayan sa international lifestyle television show na E! Networks.
Good news! Ipi-feature sa E! Networks ang cover ni Angel sa magazine. It’s a show based in Los Angeles. It’s usually aired on cable,” masayang sabi ni Tita Becky.
Nagkagulo noon ang mga dumalo sa jampacked crowd sa venue kung saan ginanap ang party ng sexy magazine nang lumabas si Angel. Tuwang-tuwa si Angel sa pag-appreciate sa kanya ng crowd. Mabuti naman at behaved daw ang mga tao at walang nagtangkang mag-take advantage sa kaseksihan ng young actress.
Happy rin ang kampo ni Angel sa mga positive remarks na nababalitaan at naririnig nila sa teleserye nila ni Piolo Pascual sa Primetime Bida ng ABS-CBN, ang Lobo.
Ayon naman sa ABS-CBN at Star Cinema Productions, mas matitinding eksena pa raw ang matutunghayan sa natitirang limang linggo ng Lobo, na patuloy na sinusubaybayan ng maraming manonood.