angellocsin home
angellocsin biography
angellocsin gallery
angellocsin fansarea
angellocsin gallery
angellocsin news
angellocsin filmography
jasmine ducusin : ui angel lm moh bah ang gling moh tlga......
loving u : it would be nice to see angel and luis too in a tv project cute lovable pair with piolo gorgeous
esther : i love you angel sana kamukha mo baby ko
angel gacusan : i support all ur movies coz i love it.
angel gacusan : idol kita angel
sally : i think you and luis look good together opinion ko lang...best of luck to you, and piolo's movie.
camille : we can't wait sa january 16 to watch your movie here in san diego
camille : ang galing galing mo angel sa asap...super talga ang idol ko
malee : galing mo talaga love the trailer ganda mo kahit simple ang ayos litaw pa rin sa ganda
malee : i'll support the movie love me again
malee : i love her more dahil ang ganda pati ugali hindi plastik mabait at humble simpleng tao na tao
kris : please add mo ako....kris_ivan31@yahoo.com.....
kris : ang ganda mo talaga....
jayvee : hey.. uhm.. alm nyo b ung group ni angel s friendster..??
nedia : i love you angel, u have beauty and brain.... kahit saan ka pumunta cguradong sisikat ka!! talented........ganda mo!!!!!
rossel : elow angel sobrang crush kita...hehehe ang ganda mo!!! ang galing mo pang umarte...pagpatuloy mo lang ha..godbless!!
jayvee : i love you angel..!!!!
jayvee : i love angel....!!!
jayvee : .ung my mga my friendster dyn.. i-post nyu.. addh q kauh..
jayvee : ui.. ynna ..! my fs kb..?
jayvee : hello ynna... buti nlng my partner aq.. lm m na .. bgo rin.. hahahahah...
ynna : hi jayvee! bago lang din me here! cute na, super bait pa talaga!
jayvee : un lng.....
jayvee : uhmm....... hi to all im new here.. ang ganda talaga ni angel noh.... crush n crush q sha.......
ynna : not just as an artist...keep that at****ude! god bless you always!

Angel Locsin Latest News

 
Monday, June 23rd, 2008

 

Napakalakas na hiyawan ang sumalubong kay Angel Locsin paglabas niya ng stage sa fashion show cum launching niya bilang bagong endorser ng Folded & Hung sa Activity Center sa TriNoma last Saturday, June 21.

 ”Feeling model,” sagot ni Angel nang i-welcome siya ng host ng event na si Phoemela Barranda.

 A few weeks back ay naging isyu ang pagiging endorser ni Angel ng ibang clothing line pagkatapos kunin ng dating ini-endorse na JAG jeans si Marian Rivera. But it turned out na may bago nang ie-endorse na brand ng pantalon si Angel, ang Folded & Hung.

 ”Ten years na sila sa business at para rin ‘yang pag-aartista. You always have to show something new to offer. At para sa akin, dahil umabot sila ng ten years with great results, indicator ito na tama ang kanilang ginagawa at talagang tinatangkilik sila.

 ”When I found out that they were interested in me, sobrang na-flatter at natuwa ako. So, sobrang natutuwa ako, na mabigyan ng ganitong pagkakataon na makasali sa kanila,” pahayag ni Angel.

 Happy and thankful si Angel dahil pinagkatiwalaan siya ng F&H na makasama ang iba pa nilang endorsers na sina Claudine Barretto at Maja Salvador.

Sa gitna ng Activity Center ng TriNoma nakasabit ang naglalakihang tarpaulin ni Angel for F&H kung saan wala siyang suot na pang-itaas, kita ang likod at nakasuot ng pantalon. Paano siya napapayag na mag-pose ng topless sa billboard?

“Biglaan lang yun, e,” sagot niya. “Wala kasi kaming mga peg. Ganyan mag-work ang F&H. Parang sobrang genius nila, biglaan lang.

“Nung una na-tense ako dahil hindi ko naman ginagawa. Pero, di ba, parang why not? Wala naman akong ginagawang masama. ‘Tsaka para sa akin, hindi pa siya daring.”

Ngayon, hindi man gustuhin ni Angel, tiyak na maikukumpara siya sa F&H endorser na si Claudine.

 ”Naku, there’s nothing to compare. Si Ms. Claudine, Ms. Claudine na ‘yan. Ang dami-dami na niyang achievements. Ano naman po ba ako compared to her?” ani Angel.

Hindi kaya matalbugan pa niya sina Claudine at Maja as endorser ng F&H? And later, tuluyan na niyang palitan sina Claudine at Maja?

“Ah, walang ganun, walang ganun na deal. Kahit hindi pa kami talaga nakakapagtrabaho kapag nasa isang company hindi naman sila ganun klaseng tao at iba-ibang ino-offer para sa brand at para sa mga tao kaya nandito kami.”

Nilinaw rin ni Angel ang isyu na sinulot niya ang F&H kina Claudine at Maja.

 ”Ganun ba kadali yun? Hindi naman ako nagbayad sa F&H para kunin ako, di ba?”

May balita na nagalit daw si Claudine dahil bigla siyang kinuhang endorser ng F&H? Ano ang reaksiyon niya rito?

 ”E, hindi pa kami nagkikita ni Ms. Claudine ngayon, pero hindi naman. Parang sa akin, ginagawan lang ng intriga ng mga tao kasi siyempre, ‘eto, bagong part ako ng family ng F&H, pero hindi naman. Bagong sampa lang ako sa pamilya.”

 Hindi niya pinalitan si Claudine?

 ”Hindi po,” tanggi ni Angel. “Iki-clear ko po, karagdagan lang po ako dito. Wala po akong pinalitan kahit na sino.”

Wala bang usapan na magsasama-sama sila nina Claudine at Maja para sa proyekto ng F&H tulad ng billboard?

 ”Merong pinaplano, pero hindi pa sure. Tulad ng sinabi ko kanina, wala kami nung mga peg talaga,” pagwawakas ni Angel.

Source: PEP Website


Angel Locsin is currently leading in the latest tally of votes for the 2008 FHM’s 100 Sexiest Women in the World poll. Is the Lobo star on track to dethrone Katrina Halili as the sexiest in the land?

fhm.jpgAccording to reports, Katrina ruled the the race in the beginning but Angel came from behind and grabbed the top spot with a wide margin of more than 7,000 votes.

The poll isn’t over yet. The public can still cast their votes online but just once per day. But you can vote as many times as you want through your mobile phones.

Here’s how:

1. To vote, the texter must text in FHM100 and send to 2948. Example: FHM100 Iwa Moto. Texting of votes costs P2.50 for Smart, Talk N’ Text, Globe and Addict Mobile while P2.00 for Sun.

2. Replace “Iwa Moto” with the star of your choice. For example: Marian Rivera, Katrina Halili, Angel Locsin or stay with Iwa Moto. The syntax is first name, space, then last name of the star of your choice.

3. 1 text vote = 5 entries

4. To get a complete list of all keywords, text FHM100 to 2948.

5. Send all keywords to 2948 for Smart, Globe, Sun, Talk N’ Text and Addict Mobile subscribers.

6. Voting is until June 15, 2008 only.

Barely a month ago, Angel Locsin topped Maxim’s version of 100 Sexiest Women list.


Pagkatapos itanghal bilang number one sexiest female young actress ng isang men’s magazine si Angel Locsin, masaya namang ibinalita sa amin ng kanyang manager na si Becky Aguila na ang naturang cover ng kanyang talent ay matutunghayan sa international lifestyle television show na E! Networks.

angel-tv.jpgGood news! Ipi-feature sa E! Networks ang cover ni Angel sa magazine. It’s a show based in Los Angeles. It’s usually aired on cable,” masayang sabi ni Tita Becky.

Nagkagulo noon ang mga dumalo sa jampacked crowd sa venue kung saan ginanap ang party ng sexy magazine nang lumabas si Angel. Tuwang-tuwa si Angel sa pag-appreciate sa kanya ng crowd. Mabuti naman at behaved daw ang mga tao at walang nagtangkang mag-take advantage sa kaseksihan ng young actress.

Happy rin ang kampo ni Angel sa mga positive remarks na nababalitaan at naririnig nila sa teleserye nila ni Piolo Pascual sa Primetime Bida ng ABS-CBN, ang Lobo.

Ayon naman sa ABS-CBN at Star Cinema Productions, mas matitinding eksena pa raw ang matutunghayan sa natitirang limang linggo ng Lobo, na patuloy na sinusubaybayan ng maraming manonood.


Angel Locsin’s entry as an endorser of Folded & Hung does not edge out anybody.

locsin-barreto.jpgConfidential pa sana na huwag banggitin ang clothing brand na bagong proyekto ni Angel. Kaso, nagkaroon ng slant ang ilang report (hindi sa PEP, ni sa mga column namin) na panunulot daw ang ginawa ni Angel sa nasabing endorsement. Nag-pictorial na nga kasi si Claudine Barretto for her return to the same clothing line, na siya rin ang nagpasimula.

This prompted both Becky Aguila, Angel’s manager, and Roldan Castro, one of the publicists of all Becky’s talents, to text us the day na lumabas ang write-up namin about this, to add more information.

Sabi ni Roldan, “Nagdagdag pa ng isang endorser ang isang produkto and si Angel nga yun. Si Claudine ang original and may isa pa na taga-Kapamilya rin. Kaya mas masaya si Angel kasi at home siya sa mga kasama niyang co-endorsers. Tatlo na silang endorsers sa product na yun na di pa puwedeng banggitin. Walang ginapang para matsugi ang isa sa kanila.”

From Becky: “Hi Dinno, addition at di subtraction. Dinagdag at di pinalitan. Happy si Angel sa latest clothing endorsement niya. Walang issue between the two. Original si Claudine, bunso si Maja [Salvador], latest addition si Angel. Everybody happy.”

We pointed out to both Becky and Roldan that we never did the “sulutan” slant on our write-ups or columns here in PEP. In fact, we correctly presumed na idadagdag lang siguro si Angel at hindi papalitan si Claudine na balitang nakapag-pictorial na rin.

Both of them agreed with our write-up. Dagdag pa ni Becky, “Okay nga na na-clear mo yun na latest addition lang si Angel basta huwag lang sanang banggitin ang brand. Nakakahiya din kasi kay Claudine, siya naman ang original.

May in-explain din si Becky about the Jag issue which is basically spelled out na rin sa isang item dito sa PEP written by Roldan.

Source: PEP Website


angel-compete3.jpgNaging malaking isyu ang pag-endorse ni Marian Rivera ng Jag jeans dahil pinalitan niya si Angel Locsin. Matatandaang si Marian din ang pumalit nang hindi tanggapin ni Angel ang role sa hit series ng GMA-7 na Marimar, na nagluklok kay Marian sa kasikatan; pinili naman ni Angel na lumipat sa ABS-CBN. Magmula noon ay pinagtatapat na palagi sina Angel at Marian.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang manager ni Angel na si Becky Aguila. Pinabulaanan nito ang balita na nilaglag ng Jag si Angel in favor of Marian. Ayon kay Becky, hindi na sila nag-renew ng kontrata sa nasabing jeans line.

“Noong May 16 pa nag-expire ang kontrata ni Angel sa Jag. Pero last March pa ay napag-usapan na namin ng Jag na hindi na kami magre-renew. It was a mutual decision,” pahayag ni Becky.

For two years, Angel has been a Jag endorser. Ayon sa manager ng young actress, siguro it’s about time na rin to let go.

Paliwanag ni Becky, “May offer din kasi kami for another clothing line na puro dresses naman ang clothes, yung mga sexy outfits ba. And pinag-usapan naming mabuti ni Angel if tatanggapin ang offer.

“Ang Jag kasi is more of jeans at bihira niya nang magamit ngayon sa mga shows because she needs a more sexier outfit. She’s a woman now, unlike two years ago na pa-tweetums pa siya. So we came up with a decision na tanggapin na ang offer ng clothing line na ito dahil magaganda at nagagamit niya sa Lobo. At saka, kumpleto siya, may accessories, dresses, jeans.”

Hindi pa raw puwedeng sabihin kung anong clothing line ang bagong endorsement ni Angel. Magkakaroon daw kasi ito ng big launch on June 21 sa Trinoma, kasabay ng unveiling ng billboard nito sa EDSA.

Tulad ng Jag ay malaki rin daw garment company ang bagong endorsement na ito ni Angel. Abangan na lang daw dahil dating endorser nito ang aktres na si Claudine Barretto.

“I just want to make it clear that Angel is not competing with Marian,” sabi ni Becky. “She minds her own business. For whatever commercial projects Marian’s been getting, I’m sure Angel is happy for her.

“Angel right now is so engrossed and concentrated in Lobo. She doesn’t have the time to dwell on petty issues being thrown at her. Intrigues are part of showbiz life. What matters the most is the network and advertisers’ trust and confidence with Angel. Management’s [ABS-CBN] highly satisfied with her performance in Lobo. Happy rin sila sa commercial loads ng Lobo.”


Angel Locsin | Biography | Photo Gallery | Fans Area | Downloads | Latest News | Filmography
  
Visit Online Celebrity Website for more Celebrity Websites and Celebrity News
®All Rights Reserved Angel Locsin Fansite 2008